Pumunta sa nilalaman

Glasgow

Mga koordinado: 55°51′39″N 4°15′05″W / 55.860916°N 4.251433°W / 55.860916; -4.251433
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagbabago noong 07:50, 31 Hulyo 2021 ni Grey2584 (usapan | ambag)
(iba) ←Lumang pagbabago | Kasalukuyang pagbabago (iba) | Mas bagong pagbabago→ (iba)
City of Glasgow

Glesca, Glesga (Eskoses)[1]
Glaschu (Gaelico Escoces)
Lungsod at council area
Dawn over Glasgow
Tolbooth Steeple
Glasgow Royal Concert Hall
Glasgow Tower
SSE Hydro
Finnieston Crame
George Square
Cineworld Glasgow
From taas, kaliwa tungo kanan: The River Clyde, George Square, Glasgow Cross, the Glasgow Royal Concert Hall, The Glasgow Tower, pinakamataas na struktura sa Eskosya, the SSE Hydro and SEC Armadillo,Skyline of Glasgow City, Cineworld Glasgow, pinakamatangkad na sine sa Eskosya
Eskudo de armas ng City of Glasgow
Eskudo de armas
Mga palayaw: 
"Glesca/Glesga", "The Dear Green Place", "Baile Mòr nan Gàidheal"[2]
Kamalian ng Lua na sa Module:Location_map na nasa linyang 501: Unable to find the specified location map definition. Neither "Module:Location map/data/UK Scotland" nor "Template:Location map UK Scotland" exists.
Mga koordinado: 55°51′39″N 4°15′05″W / 55.860916°N 4.251433°W / 55.860916; -4.251433
Sovereign state United Kingdom
Bansa Scotland
Council AreaGlasgow City
Lieutenancy AreaGlasgow
Subdibisyon23 na wards
Itinayoika-6 na siglo
Burgh Charter1170s[5]
Pamahalaan
 • Council LeaderSusan Atiken, SNP
 • Lord ProvostPhillip Braat, Lab
 • MSPs
Lawak
 • Lungsod at council area175 km2 (68 milya kuwadrado)
 • Urban
368.5 km2 (142.3 milya kuwadrado)
 • Metro
492 km2 (190 milya kuwadrado)
Populasyon
 • Lungsod at council areaPadron:Scottish locality populations (City)[3]
Padron:Scottish council populations (Council area)[4]
 • Ranggo3rd
 • Kapal3,555/km2 (9,210/milya kuwadrado)
 • Urban
Padron:Scottish settlement populations[3]
 • Metro
1,861,315[6]
 • Language(s)
English
Scots
Gaelic
DemonymGlaswegian
Sona ng orasUTC±0 (Greenwich Mean Time)
 • Tag-init (DST)UTC+1 (British Summer Time)
Postcode areas
G
Kodigo ng lugar0141
OS grid referenceNS590655
International AirportsGlasgow Airport (GLA)
Glasgow Prestwick Airport (PIK)
Main Railway StationsGlasgow Central
Glasgow Queen Street
Rapid transit Glasgow subway
WebsaytCity website

Ang Lungsod ng Glasgow ay ang pinakapopuladong lungsod sa Eskosya, at ikaapat na pinakapopulado sa buong Reino Unido, at ika-27 na pinakapopulado sa buong Europa[7]. Noong 2019, ang Glasgow ay itinatayang populasyon ng 633,210 na tao. Noo'y kabahagi ng Lanarkshire. Binubuo na ito ng Glasgow City Council Area, isa sa 32 na council areas ng Eskosya, ang lokal na pamahalaan ay ang Glasgow City Council. Ang lungsod ay nalalagay sa Ilog Clyde sa West Central Lowlands ng Eskosya. Ito ay ikalimang pinakabinibisitang lungsod sa buong Reinos Unido.[8]

Ang Glasgow ay lumaki mula sa isang munting bayan sa Ilog Clyde ngayon ay naging pinakamalaking daungan ng barko sa buong Eskosya, at ika-sampu kada tonnelada sa buong Reino Unidos. Lumaki mula sa isang royal burgh, at ang pagkakatayo ng Unibersidad ng Glasgow noong ika-15 na siglo, ito ay naging malaking sentro ng Scottish Enlightenment noong ika-18 na siglo. Mula noong ika-18 na siglo, ang lungsod na ito ay naging isa sa mga malalaking pook kalakalan ng Britanya sa Hilagang Amerika at sa Kanlurang Indies. Noong Rebulusyong Industriyal, ang populasyon at ekonomoniya ng Glasgow at ang mga katabing bayan ay lumaki, dahil dyan ang Glasgow ay naging sentro ng paggawaan ng kemikals, textiles at engineering, lalo na sa paggawa ng barko, na kung saan nangaling ang mga sikat at inobatibong mga barko. Ang Glasgow ay tinaguriang ikalawang lungsod ng Reino Unidos noong Victorian at Edwardian Era, kinuha nito ang pwesto mula sa dating lungsod na pagaari noon ng Reino Unidos na Dublin, kung saan ay kinikilala na ito raw ang ikalawang lungsod ng Reino Unidos[9][10].

Sa huling bahagi ng ika-19 siglo at maagang bahagi ng ika-20 na siglo, ang populasyon ng Glasgow ay mabilis na lumaki, umabot sa 1,127,825 na katao noong 1938. Ang mga proyektong urban renewal noong 1960's ay nagdahilan sa malakihang relokasyon ng mga tao sa mga designated na mga bagong bayan tulad ng Cumbernauld, Livingston, at East Kilbride at sa mga kalapit bayan, na sinundan ng pagbabago ng boundary. Dahil dito nabawasan ang populasyon ng Glasgow sa 626,410 noong 2019, na may 985,290 na tao na nakatira sa Greater Glasgow area noong 2016. Ang mas malaking metropolitan area ay mayroong 1,800,000 na tao, na bumubuo sa 33% na populasyon ng Eskosya. Ang lungsod ay ang pinakamalaking population density sa buong Eskosya na narooon sa 4,023 km squared.

Ang Glasgow ang naghost sa 2014 Commonwealth Games at ang pinakaunang European Championships noong 2018; at kilala rin sa mundo ng football, rugby, athletics, tennis, golf at paglalangoy. Ngayon ang Glasgow ay mayroong diversity ng mga istilong arkitektura, isa sa mga dahilan kung bakit maraming bumibisita sa lungsod. Mula sa sentro ng lungsod na puno ng gusaling Victorian, sa mga gusaling gawa sa salamin at bakal sa International Financial Services District sa malaahas na terraces ng blonde at pulang sandstone sa fasyonableng West End at sa mg mansyon na gumagawa sa Pollokshields sa timog na bahagi. Sa baybayin ng Ilog Clyde ay makikita ang mala-futuristic na mga gusali na tulad ng Riverside Museum, Glasgow Science Centre, ang SSE Hydro, at ang SEC Armadillo.

Ang Glasgow ay nasa baybayin ng Ilog Clyde, sa kanlurang central ng Eskosya. Ang ikalawang importanteng ilog sa Glasgow ay ang Ilog Kelvin kung saan ipinangalan ang Baron Kelvin, na ginamit bilang panukat ng temperatura. Sa mga lumang mapa (bago mag 1975) ipinapakita ang Glasgow bilang bahagi ng Lanarkshire, mula 1975 hanggang 1996 ito ay ipinapakita sa Rehiyon ng Strathclyde, sa mga bagong mapa ito ay ipinapakita bilang isa sa mga council areas ng Eskosya.

Ilog Clyde, sa kanlurang bahagi ng Glasgow, ipinapakita mula sa langit

Sapagkat kasing kahilaga ng Glasgow ang lungsod ng Moscow, ang klima nito ay Oceanic (Koppen: Cfb). Ang Glasgow ay may tatlong weather stations sa kanlurang bahagi ng lungsod. Dahil sa lapit nito sa Dagat Atlantiko, ito ay itinuturing bilang isa sa mga lugar sa Eskosya na may katamtamang panahon. Mas mataas ang temperatura sa Glasgow sa taglamig kaysa sa mga lungsod na kaparehas sa latitud dahil sa Gulf Stream na nagpapainit sa kanlurang bahagi ng Europa.

Noong 1950s, ang populasyon ng Glasgow ay 1,089,000. Ang Glasgow ay isa sa mga densely populated na mga lungsod sa buong mundo. Pagkatapos ng 1960's, ang pagtanggal ng mga mahihirap na mga lugar sa lungsod tulad ng Gorbals at ang relokasyon ng mga tao ang nagdahilan sa pagbaba ng populasyon ng lungsod. Ang boundaries rin ng lungsod ay iniba ng dalawang beses sa huling bahagi ng ika-20 na siglo, na nagpapahirap sa pagkukumpara.

Ang urban area ay patuloy na lumaki sa labas ng city council boundaries patungo sa mga kalapit bayan, na nagtataglay ng 400 square miles kapag lahat ng mga kalapit bayan ang pinagsama-sama. May dalawang distinktong depenisyon sa populasyon ng Glasgow: Ang Glasgow City Council Area na nalawa ang distritong Ruthergien at Cambuslang sa South Lanarkshire noong 1996, at ang Glasgow City Urban Area na nabibilang ang mga bayan na malapit sa lungsod.

Ang paglaki ng populasyon ng Glasgow noong ika-18 at 19 na siglo ay may kinalaman sa expansyong ekonomiko at ang paglaki ng populasyon na galing sa Ireland. Noong konsenso ng UK noong 1881, 83% ng populasyon ay ipinanganak sa Eskosya, 13% sa Irlanda, 3% mula sa Inglaterra, at 1% mula sa ibang lugar. Noong 1911 ang populasyon ng lungsod ay hindi na lumaki dahi sa migrasyon. Noong konsenso ng 1951 ang populasyong ng Glasgow ay: ipinanganak sa Eskosya 93%, Irlanda 3%, Inglaterra 3%, at 1% mula sa ibang lugar. Sa unang bahagi ng ika-20 na siglo ay maraming Lituanyong refugees ang lumipat sa lugsod at noong 1950's mayroon nang 10,000 sa Glasgow area. Marami ring Italianong Eskoses ang nanirahan sa Glasgow, na nangaling sa rehiyon ng Tuscany sa Italia.

Noong 1960s at 1970s, maraming mga Asyano ang nanirahan sa Glasgow, madalas ay sa Pollokshields area. Kabilang rito ang 30,000 na Pakistani, 15,000 na Indyano, at 3,000 na Bangladeshi at mga Tsino na nanirahan sa Garnethill area. Noong 2000, ang pamahalaan ng Reino Unidos ay nagsulat ng polisiya ng relokasyon ng mga dayuhang naninirahan sa UK upang mabawasan ang pressure sa social housing sa London.

Demograpiko ng Eskosya
Konsenso ng 2011 Glasgow Scotland
Total na populasyon 599,650 5,295,000
Paglaki 2001–2011 2.7% 5.0%
Puti 88.4% 96.0%
Asyano 8.1% 2.7%
Itim 2.4% 0.8%
Cristiano 54.5% 54.0%
Muslim 5.4% 1.4%

Noong Konsenso ng UK noong 2001, sinasabi na ang pagbagsak ng populasyon ay napabaligtad na. Ang populasyon ay static sa matagal na panahon; ngunit dahil sa paglipat ng mga tao sa Eskosya lumaki ang populasyon ng Glasgow. Ang populasyon ng lungsod ay 593,245 noong 2011 at halos 2,300,000 na katauhan ang sinasabing nakatira sa travel and work area ng Glasgow. Ang area na ito ay may depenisyon na naglalaman ng 10% ng mga residente na lumalakbay patungong Glasgow upang magtrabaho, ngunit wala itong ganap na boundary.

Ang population density ng London ay sinasabing nasa 5,200 people per square kilometer noong konsenso ng 2011, ngunit ang Glasgow ay mayroong population density ng 3,395 per square kilometer. Noong 1931, ang population density nito ay 16,166 per square kilometer, na nagpapahayag ng mga clearances o paglipat ng mga tao sa mga kalapit bayan upang mabawasan ang laki ng isa sa mga malalaking lungsod ng Europa.

Noong 2005, binalita na ang Glasgow ay ang pinakamababang life expectancy sa lahat ng lungsod ng Reino Unidos na nasa 72.9 na taon. Pinagusapan ito sa 2008 Glasgow East by-Election[11]. Noong 2008 rin, isang World Health Origanization report tungkol sa kalusugan ang nagsasabing ang life expectancy sa mga kalalakihan ay magkakaiba depende kung saan naninirahan[12][13]

Mga Areas at mga Sururbs

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga areas ng Glasgow
Ang Clyde Arc


Ang City Centre ay napapaligiran ng High Street hanggang sa Glasgow Cathedral, sa Castle Street, Glasgow Cross, Saltmarket kung saan kabilang ang Glasgow Green, at St. Andrew's Square sa silangan, Clyde Street at Broomielaw sa timog; at Charing Cross at Elmbank Street sa kanluran. Ang hilagang boundary ay sinusundan ang Cathedral Street hanggang Hanover Street, at George Square.

Retail and Theatre District

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Buchanan Street, Glasgow


Ang sentro ng lungsod ay base sa sistemang grid ng mga kalye sa hilagang baybayin ng Ilog Clyde. Ang puso ng lungsod ay ang George Square, isang site kung saan makikita ang maraming estatua ng Glasgow, at ang Victorian na pamahalaang bahay ng Glasgow. Sa timog at kanluran ay matatagpuan ang mga presinktong pamilihan ng Argyll Street, Sauciehall Street, at Buchanan Street, ang huling binangit ay kilala sa upmarket retailers at panalo ng Academy of Urbanism "Great Street Award" 2008. Ang koleksyon ng mga pamilihan rito ay tinatawag bilang "The Style Mile".

Ang mga main shopping areas ay Buchanan Street, Buchanan Galleries, na nagdudugtong sa Buchanan Street sa Sauchiehall Street at ang St. Enoch Centre na nagdudugtong sa Argylle Street at St. Enoch Square, pati narin ang up-market Princes Square, na naglalaman ng mga tindahan tulad ng: Ted Baker, Radley, at Kurt Geiger. Ang Buchanan Galleries at iba pang mga lokal ay napili bilang mga lokasyon sa pelikula noong 2013 na pinamagatan na Under the Skin na dinirekta ni Jonathan Glazer. Sapagkat patagong nilagay ang mga kamera na ginamit para sa mga eksena sa Glasgow, ang aktress na si Scarlett Johansson ay nakita sa bayan. Ang Italian Centre sa Ingram Street ay nageespecialize din sa mga designer labels. Ang retail portfolio ng Glasgow ay ikalawang pinakamalaki at pinakamahalagang sektor ekonomiko pagkatapos ng Central London.

Ang City Centre ay tahanan sa halos lahat ng mga cultural venue's ng Glasgow, ito ay ang: Glasgow Royal Concert Hall, Glasgow City Hall Theatre Royal, ang Pavillon Theatre, the King's Theatre, Glasgow Film Theatre, Tron Theatre, Gallery of Modern Art (GoMA), Mitchell Library and Theatre, ang Centre for Contemporary Arts, McLellan Galleries, at ang Lighthouse Museum of Architecture. Ang pinakamatangkad na sinehan sa buong mundo, ang labingwalong screen na Cineworld, na nasa Renfrew Street. Ang City Centre ay naglalaman rin ng apat na institusyon ng mataas na pagaaral: Ang University ng Strathclyde, ang Royal Conservatoire of Scotland, Glasgow School of Art, at ang Glasgow Caledonian University, at ang pinakamalaking kolehiyo sa Britannya ang City of Glasgow College sa Cathedral Street.

Ang University of Glasgow

Ang Glasgow ay isang malaking centro ng mataas na edukasyon at academic research, na ang 10 unibersidad na matatagpuan sa loob ng 16km mula sa city centre.

  • University of Glasgow
  • University of Strathclyde
  • Glasgow Caledonian University
  • University of the West of Scotland
  • The Glasgow School of Art
  • Royal Conservatoire of Scotland
  • City of Glasgow College
  • Glasgow Clyde College
  • Glasgow Kelvin College
  • West College Scotland

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Dictionaries of the Scots Language:: SND :: glesca".
  2. Cameron, Lucinda; 00:00, 7 Apr 2010Updated13:09 (6 Abril 2010). "Plan launched to increase Gaelic use in Glasgow". dailyrecord.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link)
  3. 3.0 3.1 Padron:Scotland settlement population citation
  4. Padron:United Kingdom district population citation
  5. (Between 1175–78, exact date unknown) Lambert, Tim. "A brief history of Glasgow". localhistories.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Mayo 2017. Nakuha noong 9 Mayo 2017. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Population on 1 January by age groups and sex - functional urban areas". Eurostat. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Disyembre 2020. Nakuha noong 31 Disyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. https://www.statista.com/statistics/1101883/largest-european-cities/
  8. https://web.archive.org/web/20190709150510/https://www.tripsavvy.com/popular-uk-cities-for-international-visitors-1661845
  9. https://www.bbc.co.uk/history/scottishhistory/victorian/trails_victorian_glasgow.shtml
  10. https://web.archive.org/web/20070402171109/http://www.glasgow.gov.uk/en/AboutGlasgow/History/The%2BSecond%2BCity.htm
  11. http://news.bbc.co.uk/1/hi/uk_politics/7524663.stm
  12. http://news.bbc.co.uk/1/hi/health/7584056.stm#Life%20expectancy
  13. http://news.bbc.co.uk/1/hi/scotland/glasgow_and_west/7584450.stm