Pumunta sa nilalaman

UNICEF

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagbabago noong 04:56, 1 Oktubre 2015 ni Namayan (usapan | ambag)

Ang United Nations Children's Fund (daglat: UNICEF; pagbigkas: yu•ni•sef) ay isang programa ng United Nations na may punong-tanggapan sa Lungsod ng New York na nagbibigay ng pangmatagalang tulong panghumanitaryo at pagpapaunlad sa mga kabataan at mga ina sa mga bansang umuunlad. Isa ito sa mga kasapi ng United Nations Development Group at Executive Committee nito.[1]

Itinatag ng United Nations General Assembly ang UNICEF noong Disyembre 11, 1946, upang mamahagi ng pagkain tuwing may sakuna at pangalagaan ang kalusugan ng mga bata sa mga bansang nawasak noong Ikalawang Digmaang Pandaigidog. Kinikilala ang Polish na bacteriologist na si Ludwik Rajchman bilang tagpagtatag ng UNICEF na naglingkod bilang unang tagapangulo ng institusyon noong 1946 hanggang 1950.[2] Noong 1953, naging permanenteng bahagi ng United Nations System ang UNICEF at pinaikli rin ang pangalan nito mula sa orihinal na United Nations International Children's Emergency Fund, ngunit patuloy na ginagamit ang akronim ng pangalan ng ahensiya batay sa orhinal nitong pangalan.

Talasanggunian

  1. "Executive Committee". Undg.org. Nakuha noong Marso 26, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Fifty years for children". Nakuha noong Hulyo 9, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)