Pumunta sa nilalaman

Tiyakang bigat

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagbabago noong 15:51, 21 Hunyo 2013 ni JAnDbot (usapan | ambag)
Huwag itong ikalito sa tiyakang grabedad (espesipikong grabedad).

Ang hambinging bigat, tiyakang bigat, tiyak na timbang, taga-uring bigat (timbang) [1], o espesipikong timbang (Ingles: specific weight, kilala rin bilang unit weight o timbang ng yunit [ timbang ng isa ]) ay ang timbang ng bawat isang (bawat yunit ng) bolyum ng isang materyal o bagay. Kinakatawan ito ng mga sagisag na:

kung saan ang

ay ang tiyakang bigat ng materyal (timbang bawat isa o yunit na bolyum, karaniwang yunit na N/m3)
ay ang densidad (kasinsinan) ng materyal (masa bawat yunit na bolyum, karaniwang kg/m3)
ay akselerasyon (pagbilis) dahil sa grabedad (antas ng pagbabago ng belosidad (bilis), na ibinibigay sa m/s2)

Magagamit ang tiyakang bigat sa inihinyeriyang mekanikal para mapag-alaman ang timbang ng isang kayarian o istrukturang dinisenyo para pasanin o buhatin ang mga partikular na pasanin o karga habang nananatiling buo at nananatiling nasa loob ng mga limitasyon hinggil sa depormasyon o pagkasira. Ginagamit din ito sa mga dinamiko ng mga pluwido (fluid dynamics) bilang katangiang-angkin ng pluwido (halimbawa: ang tiyakang bigat ng tubig sa Daigdig sa temperaturang 5°C ay 9807 N·m−3 o 62.43 lbf·ft−3 (puwersang-libra; Ingles: pound-force).

Ginagamit din ang mga terminong espesipikong grabedad, at sa hindi-kadalasan ang espesipikong timbang, para sa relatibong densidad (kasinsinang kaugnay).

Tingnan din

Sanggunian

PisikaKimika Ang lathalaing ito na tungkol sa Pisika at Kimika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.