Pumunta sa nilalaman

Wikang Akkadiyo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Akkadiyo
lišānum akkadītum
Katutubo saAssyria and Babylonia
RehiyonMesopotamia
Panahon29th–8th centuries BC; academic or liturgical use until 100 AD
Sumero-Akkadian cuneiform
Opisyal na katayuan
initially Akkad (central Mesopotamia); lingua franca of the Middle East and Egypt in the late Bronze and early Iron Ages.
Mga kodigong pangwika
ISO 639-2akk
ISO 639-3akk
Naglalaman ang artikulong ito ng mga simbolong ponetiko ng IPA Posible po kayong makakita ng mga tandang pananong, kahon, o iba pang mga simbolo imbes ng mga karakter ng Unicode dahil sa kakulangan ng suporta sa pag-render sa mga ito. Para sa isang panimulang gabay sa mga simbolong IPA, tingnan ang en:Help:IPA.

Ang wikang Akkadiyo (lišānum akkadītum, 𒀝𒂵𒌈 ak.kADû) (Akkadian, Accadian, Assyro-Babylonian)[1] ay isang ekstinkt na wikang Semitiko (bahagi ng pamilya ng wikang Aproasyatiko) na sinalita sa sinaunang Mesopotamia. Ito ang pinakamaagang pinatunayang wikang Semitiko.[2] Ito ay gumamit ng sistema ng pagsulat na kuneiporma na orihinal na ginamit upang isulat ang sinaunang wikang Sumeryo na hindi nauugnay na hiwalay na wika. Ang pangalan nito ay hinango mula sa siyudad ng Akkad na isang pangunahing sentro ng Semitikong kabihasnang Mesopotamiano noong Imperyong Akkadiano (ca. 2334–2154 BCE) bagaman ang wika ay nauna sa pagkakatatag ng Akkad. Ang mutual na impluwensiya sa pagitan ng wikang Sumeryo at Akkadiano ay nagtulak sa mga skolar na ilarawan ang parehong mga wika bilang isang sprachbund.[3] Ang mga angkop na pangalang Akkadiano ay unang pinatunayan sa mga tekstong Sumeryo mula ca. huli ng ika-29 siglo BCE.[4] Mula sa ikalawang kalahati ng ikatlong milenyo BCE (ca. 2500 BCE), ang mga tekstong buong isinusulat sa Akkadiano ay nagsimulang lumitaw. Ang mga daan daang libong mga teksto at mga pragmento ng teksto ay nahukay. Ito ay sumasaklaw sa isang malawakang tradisyon ng salaysay na mitolohikal, mga tekstong pambatas, mga akdang pang-siyensiya, mga sagutan, mga pangyayaring pampolitika at militar at marami pang iba. Noong ikalawang milenyo BCE, ang dalawang mga anyo ng wika ay ginagamit sa Assyria at Babilonya na respektibong tinatawag na Asiryo at Babilonyano. Ang Akkadiano ang lingua franca sa loob ng mga siglo sa Mesopotamia at Sinaunang Malapit na Silangan. Ito ay nagsimulang bumagsak noong mga ika-8 siglo BCE na pinawalang halaga ng wikang Aramaiko noong Imperyong Neo-Asiryo. Noong panahong helenistiko, ang wika ay malaking nakalimita sa mga skolar at saserdoteng gumagawa sa mga templo sa Assyria at Babilonya. Ang huling dokumentong Akkadianong kuneiporma ay mula ika-1 siglo CE.[5]

Mga sanggunian

  1. Akkadian language - Britannica Online Encyclopedia
  2. John Huehnergard and Christopher Woods, Akkadian and Eblaite, in Roger D. Woodard, ed., The Ancient Languages of Mesopotamia, Egypt and Aksum, Cambridge University Press, 2008, p.83
  3. Deutscher, Guy (2007). Syntactic Change in Akkadian: The Evolution of Sentential Complementation. Oxford University Press US. pp. 20–21. ISBN 978-0-19-953222-3.
  4. [1] Andrew George, "Babylonian and Assyrian: A History of Akkadian", In: Postgate, J. N., (ed.), Languages of Iraq, Ancient and Modern. London: British School of Archaeology in Iraq, pp. 31-71.
  5. Marckham Geller, "The Last Wedge," Zeitschrift für Assyriologie und vorderasitische Archäologie 86 (1997): 43–95.