Zoroaster

Zoroastrian
(Idinirekta mula sa Zarathushtra)

Si Zaratustra (Persia: زرتشت, Zartosht), karaniwang kilala sa tawag na Zoroaster alinsunod sa bersyong Griyego ng kanyang pangalan, Ζωροάστρης (Zoroástris), ay isang propetang Iranian at tagapagtatag ng Zoroastrismo, kung saan naging pambansang relihiyon ng Imperyong Persa mula sa panahon ng Achaemenidae hanggang sa pagtatapos ng panahong Sassanid.

Ang Zoroastrianismo ay itinatag ng Propetang si Zoroaster(o Zarathustra) sa sinaunang Iran.[1] Ang eksaktong petsa ng pagkakatatag nito ni Zoroaster ay hindi matiyak. Ang mga klasikong manunulat gaya ni Plutarch ay nagmungkahi ng petsa bago ang 6000 BCE.[2] Ang mga petsang minungkahi sa iba't ibang mga panitikang pang-skolar ay magkakaiba sa pagitan ng 1800 BCE at 600 BCE.[3] Ang wikang Lumang Avestan ng mga gathas na pinaniniwalaang mismong isinulat ni Zoroaster ay napakalapit sa Sanskrit ng rigveda na nagmumungkahi ng petsa na tinatayang mula 1400 BCE. Si Zoroaster ay ipinanganak sa Bactria at ikatlo sa limang magkakapatid na lalake. Siya ay naging saserdote at tila nagpakita ng isang kahanga hangang pag-aalaga sa mga tao at baka. Ang buhay ni Zoroaster ay nabago nang siya ay pagkalooban ng diyos na si Ahura Mazda ng isang pangitain. Ang isang espiritong nagngangalang "Mabuting Isipan" ay nagpakita sa kanya at inutusan siyang salungatin ang mga handog na madugo ng mga tradisyonal na kulto ng Iranian at tumulong sa mga mahihirap. Si Zoroaster ay nagsimulang mangaral na may isang supremang diyos na "marunong na panginoon" na si Ahura Mazda na lumikha ng daigdig, sangkatauhan at lahat ng mga mabubuting bagay dito sa pamamagitan ng banal na espiritong si Spenta Mainyu. Ang natitira ng uniberso ay nilikha ng iba pang mga anim na espirito na Amesha Spenta(mga banal na imortal). Gayunpaman, ang kaayusan ng makapitong nilikhang ito ay nababantaan ng "Ang Kasinungalingan". Ang mga espiritong mabuti at masama ay naglalaban laban at ang sangkatuhan ay kailangang sumuporta sa mga mabuting espirito upang mapabilis ang hindi maasahang tagumpay ng kabutihan. Ang kahanga hangang aspeto ng katuruan ni Zarathusta ang kanyang paggamit ng mga espesyal na salita upang ilarawan ang mga demonyo. Ang mga pangalan nito ay kahanga hangang katulad ng mga salita mula sa rigveda ng India. Itinuro ni Zoroaster na katungkulan ng isang mananampalataya na pumanig kay Ahura Mazda na posible sa pamamagitang pag-iwas sa mga kasinungalingan, pagtulong sa mahihirap, ilang mga uri ng handog, ang kulto ng apoy at iba pa. Binalaan ni Zoroaster ang mga tao na may Huling Paghuhukom kung saan ang mga kaibigan ng "Ang Kasinungalingan" ay hahatulan sa impyerno at ang mga banal ay papasok sa langit. Ang bagong katuruang ito ay nagsanhi ng alitan sa pagitan ni Zoroaster at mga saserdote ng diyos na si Mithra. Tila nagkaroon ng ilang mga labanan at si Zoroaster ay napilitang lumisan sa kanyang bansa. Kahit ang kanyang pamilya ay hindi tumulong sa kanya. Ayon sa tradisyon, nang dumating si Zoroaster sa korte ni Vishtaspa, siya ay nakatagpo ng pagsalungat mula sa mga kayag at karab na kanyang sinalungat sa isang dakilang asemblea. Si Zoroaster ay nagtagumpay sa mga ito pagkatapos ng tatlong araw ng pakikipagdebate. Siya ay siniraang puri ng kanyang mga kaaway kay Vishtaspa na nagpakulong naman sa kanya. Sa kulungan, pinagaling ni Zoroaster ang isa sa paboritong kabayo ni Vishtaspa na naparalisa at si Vishtapa at ang kanyang korte ay naakay sa mga katuruan ni Zoroaster. Sa isang ikasiyam na siglong teksto, si Zoroaster ay isinasaad na namatay sa edad na 77 taon at 40 araw.[4]Ang mga katuruan ni Zoroaster ay malakas na dualistiko at ang mananampalataya ay may pagpipilian sa pagitang ng mabuti at masama. Ang Zoroastrianismo ang isa sa mga unang relihiyon ng daigdig na nag-aatas ng etika sa mga mananampalataya nito.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-11-26. Nakuha noong 2012-11-24.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Nigosian, Solomon (1993). The Zoroastrian faith: tradition and modern research. McGill-Queen's University Press. p. 15. ISBN 978-0-7735-1144-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Controversy over Zaraϑuštra's date has been an embarrassment of long standing to Zoroastrian studies. If anything approaching a consensus exists, it is that he lived no later than 1000 BC, give or take a century or so, though reputable scholars have proposed dates as widely apart as 1750 BCE and '258 years before Alexander.'" (Encyclopedia Iranica)
  4. Zadspram 23.9