Ang unang tao o mga unang tao ang mga pinaniniwalaang unang tao na lumitaw o umiral sa mundo.

Fossil Hominid Evolution Display sa The Museum of Osteology, Oklahoma City, Oklahoma, USA

Ayon sa mga ebidensiyang pang-agham, ang mga anatomikal na modernong tao ay nagebolb sa Silangang Aprika noong mga 200,000 taong nakakalipas mula sa Homo heidelbergensis bago kumalat sa iba't ibang panig ng mundo. Ang pinakamatandang nahukay na fossil ng mga anatomikal na modernong tao ang mga labing Omo sa Ethiopia na may edad na 195,000 (±5,000) taong gulang.[1][2]

Ayon sa mga mitolohiya ng mga iba't ibang mga relihiyon, ang unang lalaki at/o unang babae ang unang (mga) tao na nilikha ng kanilang (mga) diyos na naging ninuno ng kasalukuyang sangkatauhan.

Ayon sa agham

baguhin

Ang ebolusyon ang pagbabago sa mga namamanang katangian ng mga populasyon ng organismo sa loob ng mga sunod sunod na henerasyon sa paglipas ng mahabang panahon. Ang ebolusyon ang paliwanag na tinatanggap sa agham ng paglitaw ng mga magkakaiba ngunit magkakaugnay na mga anyo ng buhay sa mundo.[3][4] Ang sentral na ideya ng ebolusyong biyolohikal ay ang lahat ng mga anyo ng buhay sa mundo ay nagsasalo ng isang pinagmulang karaniwang ninuno. Ito ay nangangahulugang ang mga organismo mula sa mga tao, ibon, mga balyena at hanggang sa mga halaman ay mga magkakamag-anak. Ang karaniwang ninuno na ito ay nagsanga o naghiwalay sa iba't ibang mga species sa pangyayaring tinatawag na speciation. Sa paglipas ng mahabang panahon, ang ebolusyon ay lumikha at kasalukuyan pa ring lumilikha ng mga pagbabago at mga iba't ibang species sanhi ng mga pagbabagong ebolusyonaryo na natural na seleksiyon, mutasyon, daloy ng gene, at genetic drift.[5]

Ebolusyon ng tao

baguhin
 
Pagpapakita ng mga pagkakatulad ng mga bakulaw: (mula kaliwa) gibbon, orangutan, chimpanzee, gorilla at tao.

Ang ebolusyon ng tao ang proseso ng ebolusyon na tumungo sa paglitaw ng mga modernong tao. Ang proseso ng ebolusyon ng tao ay nagsimula pa sa huling pinakakaraniwang ninuno ng lahat ng buhay ngunit ang paksa ng ebolusyong pang-tao ay karaniwang sumasakop lamang sa kasaysayang pang-ebolusyon ng mga primado sa partikular na ang henus na Homo at sa paglitaw ng homo sapiens bilang natatanging species ng mga hominid (dakilang bakulaw). Ang pag-aaral nito ay kinabibilangan ng maraming mga disiplinang pang-agham kabilang ang pisikal na antropolohiya, primatolohiya, arkeolohiya, embryolohiya at henetika. Ang lahat ng mga kasalukuyang nabubuhay na tao ay nagmula sa Silangang Aprika kung saan ang modernong tao ay nagebolb.[6][7][8][9][10] Ang ebolusyon ng tao ay inilalarawan ng mga isang bilang ng mga pagbabagong morpolohikal, pang pag-unlad, pisiolohikal at pang-pag-aasal na nangyari mula sa paghahati sa pagitan ng huling karaniwang ninuno ng mga tao at chimpanzee. Ang pinakamahalagang mga pagbabagong ito sa tao ang bipedalismo, lumaking sukat ng utak, humabang ontoheniya, lumiit na dimorpismong seksuwal.[11] Noong mga 40 milyong taong nakakalipas, ang impraorden na Simiiformes ay nagsanga tungo sa mga pangkat na Platyrrhini (mga Bagong Daigdig na unggoy) at Catarrhini (mga hominoid at mga Lumang Daigdig na unggoy).[12] Ang mga hominoid (bakulaw) ay humiwalay mula sa mga Lumang Daigdig na unggoy sa pagitan ng 29 milyon at 34.5 milyong taong nakakalipas.[13] Ang Hylobatidae (mga gibbon) ay humiwalay mula sa Hominidae (mga dakilang bakulaw) noong mga 15–20 milyong taong nakakalipas. Ang Ponginae (mga orangutan) ay humiwalay mula sa Hominidae noong mga 12–15 milyong taong nakakalipas.[14] Ang mga ninuno ng mga orangutan o mga malapit na nauugnay rito ay maaaring kinakatawan ng mga fossil gaya ng Sivapithecus at Ramapithecus na natuklasan sa mga burol na Siwalik ng Pakistan. Ang mga gorilya ay humiwalay sa linya na tumutungo sa Pan (chimpanzee at bonobo) at tao noong mga 10 milyong taong nakakalipas.[15] Ang species na malapit sa huling karaniwang ninuno ng mga gorilya, mga chimpanzee, mga bonobo at mga tao ay maaaring kinakatawan ng mga fossil na Nakalipithecus na natagpuan sa Kenya at Ouranopithecus na natagpuan sa Gresya. Ang linyang Pan(chimpanzee at bonobo) ay humiwalay sa linya na tumutungo sa tao noong mga 6 hanggang 7 milyong taong nakakalipas. Pagkatapos nito, ang chimpanzee at bonobo ay naghiwalay noong kaunti sa 1 milyong taong nakakalipas.[16][17] Ang pinakamaagang hominin na bipedal ang Sahelanthropus o Orrorin na posibleng ang pinagsasaluhang ninuno ng parehong tao at chimpanzee. Ang Ardipithecus ang kalaunang unang buong bipedal na hominin na posibleng nagebolb tungo sa henus na Australopithecus[18] Ang australopithecus ay nag-ebolb naman tungo sa henus na Homo. Ang pinakamaagang kasapi ng Homo ang homo habilis na nagebolb noong mga 2.3 milyong taong nakakalipas. Ang homo hablis ang unang species na gumamit ng mga kasangkapang bato. Sa sumunod na mga milyong taon, ang proseso ng ensepalisasyon ay nagsimula sa paglitaw ng Homo erectus. Ang homo erectus at homo ergaster ang unang mga hominina na lumisan sa Aprika. Ang mga ito ay kumalat sa Aprika, Asya at Europa sa pagitan ng 1.3 hanggang 1.8 milyong taong nakakalipas. Ang mga ito ang pinaniniwalaang ang mga species na unang gumamit ng apoy at mga komplikadong kasangkapan. Ayon sa Recent African Ancestry theory, ang mga modernong tao ay nagebolb sa Aprika noong mga 200,000 taong nakakaraan mula sa Homo heidelbergensis na nag-ebolb naman mula sa Homo ergaster. Ang mga homo sapiens ay lumisan sa kontinenteng Aprika noong 50,000 hanggang 100,000 taong nakakalipas. Ang mga ito ang pumalit sa mga lokal na populasyon ng homo erectus at Homo neanderthalensis. Ang paglipat sa pag-aasal na pang-moderno at ang pag-unlad ng kultura, wika at lithic na teknolohiya ay nangyari noong 50,000 taong nakakalipas. Kabilang sa mga modernong pag-aasal na pang-tao ang paggamit ng mga kasangkapan, paggamit ng mga alahas at pagguhit sa kweba, pagsasaayos ng tirahan, mga ritwal gaya ng paglilibing ng mga tao kasama ang mga regalo, panganaso, eksplorasyon ng mga lugar pang-heograpiya, at barter. Ang pinakamaagang alam na paglibing ng isang shaman ay mula 30,000 BCE.[19] Ang organisadong relihiyon ay inimbento ng mga tao noong 11,000 BCE sa Malapit na Silangan.[20] Kalaunan, ang iba't ibang mga relihiyon ay inimbento pa ng mga kalaunang tao.

Ayon sa mga mitolohiya sa buong mundo

baguhin

Ang sumusunod ang ilan sa mga kilalang kuwento na inimbento ng mga sinaunang tao tungkol sa pinagmulan ng mga tao sa mundo:

  • Zoroastrianismo
    • Mashya at Mashyana - Ayon sa mito ng paglikha na nilalarawan sa Bundahishn, ang ikaanim na paglikha ni Ohrmuzd (Ahura Mazda) ang primebal na hayop na Gayomart (Gayamarətan) na hindi lalake o hindi babae. Si Ahriman (Angra Mainyu), na Espirito ng Masama na nananahan sa Absolutong Kadiliman ay naghangad na wasakin ang lahat ng nilikha ni Ahura Ohrmuzd at nagpadala ng demonesang si Jeh (Jahi) upang patayin si Gayomard. Ang demonesa ay naging matagumpay ngunit nabihag ng buwan (Mah) ang binhi ng Gayomart bago mamatay ang hayop kung saan ang lahat ng mga hayop ay lumago. Mula sa bangkay ng Gayomard ay lumago ang isang puno na pinagmulan ng lahat ng mga buhay na halaman at mula dito ay lumago sina Mashya at Mashyana. Sila ay nangako na tutulong kay Ohrmuzd sa kanyang pakikipaglaban kay Ahriman at nanganak ng 15 mga hanay ng kambal na kumalat sa buong daigdig at naging mga lahi ng sangkatauhan.
  • Mitolohiyang Tsino
    • Pangu - Ayon sa mitolohiyang Tsino, sa pasimula ay walang anumang bagay sa uniberso maliban sa isang walang anyong kaguluhan. Ang kaguluhang ito ay nagsama sa isang cosmikong itlog sa loob ng mga 18,000 taon. Sa loob, ang perpektong magkasalungat na mga prinsipyo ng Yin at yang ay naging balanse at si Pangu ay umahon o nagising mula sa itlog. Si Pangu ay inilalarawan bilang isang primitibo na mabalahibo na higante na may mga sungay sa kanyang ulo. Sinimulan ni Pangu ang paglikha ng mundo. Kanyang hiniwalay ang Yin mula sa yang ng kanyang malaking palakol na lumilikha ng mundo na madilim na yin at kalangitan na maliwanag na yang. Upang panatilihin itong hiwalay, si Pangu ay tumayo sa pagitan nila at itinulak papataas ang kalangitan. Ang gawaing ito ay tumagal ng 18,000 taon na sa bawat araw, ang langit ay lumago ng 10 talampakang mas mataas, ang mundo ng 10 talampakan na mas malawak at si Pangu ay lumago ng 10 talampakan sa taas. Sa ilang mga bersiyon, si Pangu, ay tinulungan sa paglikha ng mga apat na prominenteng mga hayop na Pagong, Qilin, Phoenix at Dragon.
 
Ayon sa Bibliya, sina Adan at Eba ang mga unang nilikhang tao.
 
Isang depiksiyon nina Ask at Embla ni Robert Engels, 1919.
  • Mitolohiyang Norse
    • Ask at Embla - Ayon sa aklat na Gylfaginning, ang tatlong mga magkakapatid na lalakeng sina Vili, Vé, at Odin ang mga manlilikha ng unang lalake at babae. Ang mga magkakapatid ay minsang naglalakad sa baybayin ng dagat at nakakita ng dalawang mga puno doon. Kanilang kinuha ang kahoy at mula dito ay nilikha ang mga unang tao na sina Ask at Embla. Ang isa sa tatlo ay nagbigay sa mga ito ng hininga ng buhay, ang ikalawa ay nagbigay sa mga ito ng paggalaw at katalinuhan at ang ikatlo ay nagbigay sa mga ito ng hugis, pagsasalita, pandinig at paningin. Binigyan rin ng tatlong mga diyos ang mga ito ng mga damit at pangalan. Sina Ask at Embla ang naging ninuno ng sangkatauhan at binigyan ng tahanan sa loob ng mga pader ng Midgard.[21]
    • Lif and Lifthrasir - mga unang tao na muling pumuno sa mundo pagkatapos ng Ragnarok
  • Mitolohiyang Pachacamac & Huling Mitolohiyang Inca
    • Ang unang lalake at babae ay hindi pinangalanan
  • Mitolohiyang Polynesian
    • Ele'ele
    • Kumu-Honua at Lalo-Honua - Ang mga unang lalake at abbae na binigyan ng hardin ni Kāne at pinagbawalan na kumain ng isang partikular na prutas.
    • Marikoriko at Tiki - Ang unang babae na nilikha ni Ārohirohi mula sa init ng araw at umaalingawngaw na talampas. Kanyang pinakasalan si Tiki na unang lalake at nanganak kay Hine-kau-ataata.
    • Tu-Mea - Ang anak ng diyosa ng bukang liwayway na si Atanua na asawa ni Atea. Nilikha ni Atanu ang mga dagat pagkatapos malaglagan sa pagbubuntis at pinuno ang mga karagatan ng kanyang pluidong amniotiko.
    • Tonga
    • Vatea at Papa
  • Mitolohiyang Hapones
  • Mitolohiyang Bambuti
    • Ang supremang diyos ng mga pygmy ng Congo ay lumikha ng tatlong magkakaibang mga lahi ng tao nang hiwalay mula sa tatlong mga uri ng putik: isang itim, isang puti at isang pula.[22]
  • Mitolohiyang Asmat
    • Ang mga taong Asmat ng New Guinea ay pinaniniwalaang nalikha nang ang isang diyos ay nag-ukit ng mga kahoy na estatwa sa isang seremonyal na bahay at nagsimulang magtambol ng tambol. Ang mga estatwa ay naging mga buhay na tao at nagsimulang sumayaw. Kalaunan, ang isang malaking buwaya ay nagtangkang umatake sa seremonyal na bahay ngunit tinalo ng kapangyarihan ng diyos. Ang buwaya ay hinati sa ilang mga piraso at inihagis sa iba't ibang mga direksiyon. Ang bawat piraso ay naging isa sa mga dayuhang tribong ng mga taong Asmat.[23]
  • Mitolohiyang Pilipino
    • Ayon sa mga Negrito[kailangan ng sanggunian], matapos awayin ng isang ibong lawin ang diyos na panginoon ng karagatan, lumapag ito sa isang pulo upang makapagpahinga. Habang namamahinga, namataan nito ang isang matayog at malaking puno ng kawayan na kaniyang tinuka ng maraming ulit. Dahil sa pagtutukang ito, nabiyak ang puno ng kawayan. Sa pagbiyak na ito, lumabas mula sa kawayan ang unang lalaki at babae. Ang lalake ay tinawag na Malakas at ang babae ay tinawag na Maganda.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Fossil Reanalysis Pushes Back Origin of Homo sapiens". Scientific American. 17 Pebrero 2005.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. McDougall, Ian; Brown, Francis H.; Fleagle, John G. (17 Pebrero 2005). "Stratigraphic placement and age of modern humans from Kibish, Ethiopia". Nature. 433 (7027): 733–736. doi:10.1038/nature03258. PMID 15716951.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  3. Delgado, Cynthia (2006-07-28). "Finding evolution in medicine". NIH Record. 58 (15). Inarkibo mula sa orihinal (hmtl) noong 2008-11-22. Nakuha noong 2007-10-22. {{cite journal}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Ruling, Kitzmiller v. Dover page 83
  5. "Speciation". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-06-06. Nakuha noong 2014-10-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Liu H, Prugnolle F, Manica A, Balloux F (2006). "A geographically explicit genetic model of worldwide human-settlement history". Am. J. Hum. Genet. 79 (2): 230–7. doi:10.1086/505436. PMC 1559480. PMID 16826514. Currently available genetic and archaeological evidence is generally interpreted as supportive of a recent single origin of modern humans in East Africa. However, this is where the near consensus on human settlement history ends, and considerable uncertainty clouds any more detailed aspect of human colonization history. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  7. "This week in Science: Out of Africa Revisited". Science. 308: 921. 2005-05-13. doi:10.1126/science.308.5724.921g. {{cite journal}}: Unknown parameter |isssue= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Stringer C (2003). "Human evolution: Out of Ethiopia". Nature. 423 (6941): 692–3, 695. doi:10.1038/423692a. PMID 12802315. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Johanson D. "Origins of Modern Humans: Multiregional or Out of Africa?". ActionBioscience. American Institute of Biological Sciences. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-11-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Modern Humans – Single Origin (Out of Africa) vs Multiregional".
  11. Boyd, Robert; Silk, Joan B. (2003). How Humans Evolved. New York, New York: Norton. ISBN 0-393-97854-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  12. Robert W. Shumaker & Benjamin B. Beck (2003). Primates in Question. Smithsonian Institution Press. ISBN 1-58834-176-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Apes, Monkeys Split Earlier Than Fossils Had Indicated/". redOrbit.com. 8 Enero 2005. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-15. Nakuha noong 6 Pebrero 2013. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. http://www.orangutan.org/orangutan-facts/orangutan-biology
  15. http://www.abc.net.au/science/articles/2012/03/08/3448783.htm
  16. Won, Yong-Jin; Hey, Jody (13 Oktubre 2004). "Divergence population genetics of chimpanzees". Molecular Biology & Evolution. 22 (2): 297–307. doi:10.1093/molbev/msi017. PMID 15483319.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Fischer, Anne; Wiebe, Victor; Pääbo, Svante; Przeworski, Molly (12 Pebrero 2004). "Evidence for a complex demographic history of chimpanzees". Molecular Biology & Evolution. 21 (5): 799–808. doi:10.1093/molbev/msh083. PMID 14963091.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-02-08. Nakuha noong 2013-07-22.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Tedlock, Barbara. 2005. The Woman in the Shaman's Body: Reclaiming the Feminine in Religion and Medicine. New York: Bantam.
  20. Balter, Michael (2005). "The Dorak Affair". The Goddess and the Bull: Catalhöyük: An Archaeological Journey to the Dawn of Civilization. ISBN 0-7432-4360-9. {{cite book}}: Unknown parameter |chapterurl= ignored (|chapter-url= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Byock (2006:18).
  22. Mbiti, John, African Religions & philosophy, Heinemann, 1990, p. 91.
  23. Feder, Kenneth L.; Michael Alan Park, Human Antiquity: An Introduction to Physical Anthropology and Archaeology, Mayfield Publishing Company, 1989, pp. 3-4.