South Dakota

(Idinirekta mula sa Timog Dakota)

Ang South Dakota (pagbigkas: /sθ dəˈktə/) ay isang estado ng Estados Unidos na matatagpuan sa Midwestern na rehiyon ng bansa. Ipinangalan ito sa mga katutubong Lakota at Dakota ng Hilagang Amerika. Ang South Dakota ay ang ika-17 pinakamalaki ngunit, ikalima sa may pinakakakaunting populasyon at ikalima rin pinakamanipis ang populasyon sa 50 estado ng Estados Unidos. Dating katimugang bahagi ng Dakota Territory, naging estado ang South Dakota noong Nobyembre 2, 1889, kasabay ng North Dakota. Pierre ay ang kabisera ng estado at Sioux Falls, na may populasyong 165,000 ang pinakamalaking lungsod nito.

South Dakota

State of South Dakota
Watawat ng South Dakota
Watawat
Eskudo de armas ng South Dakota
Eskudo de armas
Palayaw: 
The Mount Rushmore State
Map
Mga koordinado: 44°30′N 100°00′W / 44.5°N 100°W / 44.5; -100
Bansa Estados Unidos ng Amerika
LokasyonEstados Unidos ng Amerika
Itinatag2 Nobyembre 1889
KabiseraPierre
Bahagi
Pamahalaan
 • Governor of South DakotaKristi Noem
Lawak
 • Kabuuan199,729 km2 (77,116 milya kuwadrado)
Populasyon
 (1 Abril 2020, Senso)[1]
 • Kabuuan886,667
 • Kapal4.4/km2 (11/milya kuwadrado)
Sona ng orasAmerika/Chicago
Kodigo ng ISO 3166US-SD
WikaIngles
Websaythttps://sd.gov/

Kahangganan ng South Dakota ang mga estado ng North Dakota, Minnesota, Iowa, Nebraska, Wyoming, at Montana. Hinahati ng Ilog Missouri, ang South Dakota sa dalawang natatanging bahagi, na tinaguriang "East River" at "West River" ng mga residente nito.[2] Sa Silangang South Dakota matatagpuan ang karamihan sa naninirahan sa estado, at ginagamit ang matabang lupain nito sa iba't ibang pananim. Sa kanluran naman ng Ilog Missouri, mga hayupan ang pangunahing gawaing pang-agrikultura, at higit na nakasalalay sa turismo at paggugol sa depensa. Ang Black Hills, na pangkat ng mabababang kabundukang sagrado sa mga katutubong Sioux ay matataguan sa timog-kanlurang bahagi ng estado. Dito rin makikita ang Mount Rushmore, na isang tanyag na puntahan ng mga turista. May katamtamang klimang kontinental ang South Dakota na may apat na kakaibang panahon, at ang pag-ulan ay mula sa katamtaman sa silangan hanggang medyo-tuyo sa kanluran. Ang ekolohiya ng estado ay nagtatampok ng mga species na karaniwan sa North American grassland biome.

Ilang libong taon nang may naninirahang tao sa lugar, kung saan ang mga Sioux ang higit na nakararami simula noong ika-19 na siglo. Sa huling ika-19 na siglo, dumami ang mga pamayanang Europeo-Amerikano sa lugar kasunod ng pagkadiskubre ng ginto sa Black Hills at paglalatag ng mga daang-bakal sa silangan. Ang mga nanghihimasok na minero at dayuhan sa lugar ay naging mitsa ng ilang Indian wars na nauwi sa Wounded Knee Massacre noong 1890. Ang ilang kaganapan noong ika-20 siglo gaya ng Dust Bowl at Great Depression ay nagdulot ng pagtaas ng paggugol ng pamahalaang pederal noong mga 1940 at 50 para sa agrikultura at depensa, at industriyalisasyon ng agrikultura na nakabawas sa pagsasaka ng mga pamilya.

Mga sanggunian

baguhin