Plesiosauria
Ang Plesiosauria ( /ˌpliːsi.ɵˈsɔriə/; Sinaunang Griyego: plesios na nangangahulugang 'malapit sa' at sauros na nangangahulugang butiki) ay isang order ng panahong Mesosoikong mga marinong reptilya. Ang mga Pleisiosauro ay unang lumitaw sa Simulang Hurassiko(at posibleng Rhaetian na pinakahuling panahong Triassic) at naging lalaong karaniwan sa panahong Hurassiko na yumabong hanggang sa pangyayaring ekstinksiyong Kretaseyoso-Paleohene sa wakas ng panahong Kretaseyoso. Ang pangalang "plesiosauro" ay ginagamit upang tukuyin ang order na Plesiosauria bilang kabuuan at hindi lang sa may mahahabang leeg na mga anyo(suborder Plesiosauroidea). Ang mga huling ito ay bumubuo sa mga plesiosauro sa popular na imahinasyon("Nessie" o Halimaw ng Loch Ness, "Nahuelito").
Plesiosauria | |
---|---|
Artist's reconstruction of Plesiosaurus. | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Hati: | Reptilia |
Superorden: | †Sauropterygia |
Klado: | †Pistosauria |
Orden: | †Plesiosauria de Blainville, 1835 |
Suborders | |
Deskripsiyon
baguhinAng tipikal na plesiosauro ay may isang malawak na katawan at isang maikling buntot. Napanitili nito ang mga pang-ninunong dalawang pares ng mga biyas nito na nag-ebolb sa malaking mga flipper. Ang mga Plesiosauro ay nag-ebolb mula sa mas naunang mga nothosauro na may mas tulad ng buwayang katawan. Ang mga pangunahing uri ng mga plesiosauro ay pangunahing itinatangi ng sukat ng ulo at leeg. Ang mga kasapi ng Plesiosauroidea gaya ng Cryptoclididae, Elasmosauridae, at Plesiosauridae ay mahahabang mga leeg at maaaring mga mga kumkain sa ilalim ng mga mababaw na katubigan. Gayunpaman, ang karamihan ng mga pliosauro at rhomaleosauro ay may mas maikling mga leeg na may malaking humabang ulo at maaaring angkop sa mga mas malalalim ng mga katubigan. Ang lahat ng mga plesiosauro ay may apat na mga hugis sagwan na mga biyas na flipper. Ito ay hindi karaniwang kaayusan sa mga akwatikong hayop at ito ay inakalang ginagamit upang maglayag ng hayop na ito sa katubigan sa pamamagitan ng isang kombinasyon ng mga naglalayag na kilos at mga taas babang kilos. Lumilitaw na walang palikpik na buntot at ang buntot ay halos malamang na ginamit sa paggamit ng kontrol na pang-direksiyon. Ang kaayusang ito ay salungat sa mga kalaunang mosasauro at ang mga pinaka unang mga ichthyosaur. Maaaring may mga pagkakatulad sa paraan ng paglangoy na ginamit ng mga penguin at mga pagong na respektibong may mga dalawa at apat na tulad ng flipper na mga biyas.
Sa pangkalahatan, ang mga plesiosaurian ang kasama sa mga pinakamalalaking mga marinong maninila ng lahat ng panahon na ang mga pinakamaliit ay may habang 2 m (6.5 ft). Ang pinakamalalaking mga pliosauro ay may habang hanggang 15 . Ang mga plesiosauro ay lumaking mas mahaba. Ang Mauisaurus ay may habang 20 metro. Gayunpaman, ang Huling Triasikong mga ichthyosaur gaya ng mga shastasaurid ay alam na umabot sa habang 21 metro. Ang modernong malalaking mga marinong hayop gaya ng sperm whale (20 m) at lalo na ang blue whale (~30 m) ay lumaking mas malaki kesa sa kasalukuyang mga alam na plesiosaurian. Ang nasa harapang panloob na mga butas ng ilong ay may mga pang-ngala ngalang groove upang daanan ng tubig na ang daloy ay mapapanatili ng presyur na hidrodinamiko kesa sa nasa likod na panlabas na mga nare sa lokomosyon. Sa pagdaan sa mga duktong pang ilong, ang tubig ay malalasahan ng mga epitheliang olpaktoryo.