Espasyo-panahon
Sa pisika, ang espasyo-panahon o espasyo-tiyempo (sa Ingles ay spacetime, space-time o space time) ay anumang matematikong modelo ng pinagsasamang espasyo at panahon sa isang solong continuum. Ang espasyo-panahon ay karaniwang pinakakahulugang pinagsamang espasyo ng tatlong dimensiyon at panahon kung saan ang panahon ang ika-apat na dimensiyon. Ayon sa ilang mga persepsiyong Euclidean ng espasyo, ang uniberso ay may tatlong mga sukat ng espasyo at isang sukat ng panahon. Sa pamamagitan ng pagsasama ng espasyo at panahon sa isang manipoldo, pinasimple ng mga pisiko ang paglalarawan ng maraming teoryang pisikal, gayundin ang paglalarawan ng paggalaw ng uniberso sa paraang pare pareho sa antas supergalaktiko at subatomiko.
Sa klasikong mekaniks, ang paggamit ng espasyong Euclidean sa halip na pinagsamang espasyo at panahon ay angkop dahil ang panahon ay itinuturing bilang pangkalahatan at pare pareho na independiyente sa estado ng paggalaw ng isang tagamasid. Sa kontekstong relatibistiko naman, ang panahon ay hindi maaaring hiwalay sa tatlong dimensiyon ng espasyo, dahil ang inoobserbahang bilis ng lumilipas ng panahon ng isang bagay ay depende sa bilis ng bagay relatibo sa nagmamasid at sa lakas ng grabitasyonal field, na maaaring magpabagal ng paglipas ng panahon.
Sa kosmolohiya, ang espasyo-panahon ay pinagsasama ang espasyo at panahon sa isang abtrakstong uniberso. Sa matematika, ito ay isang uri ng manipoldo(isang espasyong topolohikal na sa maliliit na bahagi ay tulad ng espasyong Euclidian) na binubuo ng mga "kaganapan" na kung saan ay inilarawan sa pamamagitan ng isang uri ng sistemang koordinado. Karaniwan ay kinakailangan ang tatlong dimensiyong pang espasyo (haba, lapad, taas), at isa dimensiyong temporal (panahon). Ang mga dimensiyon ay mga independiyenteng bahagi ng isang coordinate grid na kinakailangan upang mahanap ang isang tuldok sa isang espasyo. Halimbawa, sa globo, ang latitud at longhitud ay dalawang independiyenteng coordinate na kung pagsasamahin ay maaring tumukoy sa isang lokasyon sa globo. Sa espasyo-panahon, ang isang grid ng koordinado na sumasaklaw sa 3 + 1 dimensiyon na tumutukoy sa mga pangyayari (sa halip na tuldok lamang sa espasyo), ibig sabihin, ang panahon ay idinagdag bilang isa pang dimensiyon sa grid coordinate. Sa ganitong paraan, ang koordinate ay tumutukoy kung saan at kailan naganap ang isang pangyayari. Ngunit ang pinagsamang kalikasan ng espasyo-panahon at ang kalayaan ng pagpipiliang sistemang coordinate ay nangangailangan ng parehong coordinate ng espasyo at panahon sa ibang sistemang coordinate. Hindi tulad sa normal na espasyal na koordinado, meron pa ring restriksiyon kung paano ang sukat ay gagawin sa espasyo at panahon. Ang mga paghihigpit na ito ay tumutugma halos sa isang partikular na matematikong modelo na naiiba sa espasyong Euclidean sa simetria(pagkakapareho) nito.