Hidilyn Diaz

Pilipinong atleta sa pagbubuhat

Si Hidilyn Diaz (ipinanganak noong Pebrero 20, 1991) ay isang Pilipinang Olimpikong manlalaro ng pagbuhat ng mga pabigat mula sa Lungsod ng Zamboanga.[1] Nakakuha si Diaz ng isang medalyang tanso sa Palaro ng Timog Silangang Asya 2007 sa Thailand at nakatapos naman sa ika-10 puwesto sa kaganapan ng 53kg sa Palarong Asyano 2006 sa Doha. Si Diaz ngayon ay mag-aaral ng Universidad de Zamboanga.

Hidilyn Díaz

Noong ika-3 araw ng Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008 sa Beijing (Agosto 11), lumahok si Diaz sa kaganapan ng 58kg kababaihan at nakatapos sa ika-11 puwesto sa punto ng 192kg.

Sanggunian