1. Home
  2. Lipunan
  3. Transportasyon

Trudeau idinetalye ang 30B, 10-taon na pondo para sa pampublikong transportasyon

Pera para sa Canada Public Transit Fund hindi nakatakdang ibigay sa susunod na dalawang taon

Isang lalaki itinuro ang kanyang daliri sa harap.

Prime Minister Justin Trudeau tiningnan ang isang fully electric bus sa York Region Transit facility sa Richmond Hill, Ont. noong Biyernes, Hulyo 5, 2024.

Litrato: La Presse canadienne / Christopher Katsarov

RCI

Sinabi ni Prime Minister Justin Trudeau na ang mga aplikasyon ay bukas na ngayon para sa national transit fund na kasama ang pera para sa existing transit systems upang ito ay makapag-expand, mas lalong gumanda at maging moderno.

Ang $30 bilyon, 10 taon na Canada Public Transit Fund ay ilang buwan nang tinatrabaho at nasa pinakahuling pederal na badyet.

Ang pera na iyon ay hahatiin sa tatlong kategorya: baseline funding para sa existing systems, metro region agreements para sa pinakamalalaking siyudad ng Canada, at pondo para sa mga espisipikong bagay tulad ng mga komunidad sa malalayong lugar, komunidad ng mga Katutubo at aktibong transportasyon.

Sinabi ng mga Liberal na iko-complement nito ang Housing Accelerator Fund sa pamamagitan ng pagtatahi ng pera para sa pabahay sa mga proyekto na malapit sa pampublikong transportasyon.

Kasama sa plano ang pagtanggal sa mandatory minimum parking requirements para sa bagong construction at pagpapahintulot ng high-density housing projects malapit sa transportasyon.

Ang pera ay hindi pa dadaloy sa loob ng dalawang taon ngunit ang mga aplikasyon ay nagbukas ngayong araw para sa baseline funding at sa metro agreements.

Isang artikulo ng The Canadian Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita